My Personal Standpoint – On People Blaming the Philippine Government
This is just my personal standpoint on the issue about the Philippine Political System published over the Internet. That the Philippine Government System is rubbish ( as they describe it).
I am not that knowledgeable enough about laws but, somehow, I know some things. I think it is not about the political system…how the system implemented it is. You might have blamed Malacanang for things that have fallen short our expectation, but a good foundation for more effective political system lies on the people. What have we done? What have we contributed as expected responsible citizens?
Undeniably, a big part of Philippine failure on some things is greatly contributed by many citizens. How could I say that? Because I see it. Nakikita ko ang kabulukan mula sa mga ‘tambay’ na palasak sa aming lugar sa tuwing ako’y umuuwi galing sa trabaho. Mga salot -laklak nang laklak, anak nang anak – na umaasa lamang maambunan ng tulong. Maaring sabihin ng iba na di natin sila masisisi dahil pinag-aral ngunit hindi binigyan ng halaga hindi nakapag-aral…hindi nakapag-aral kasi mahal ang tuition at walang tulong mula sa government. But that does not exactly justify the destiny they have now. Yes, alam ko kasi gumapang din ako sa putik bago maabot ang sa palagay ko’y sapat na dunong. They should have done too.
Maaring sinisisi natin ang Malacanang for corruption but we should realize that even in our office corruption exists. I should know dahil alam ko kung papano ninanakaw ng mga kapwa ko empleyado ang oras ng trabaho ( na akala nila’y di ko napapansin). In other words, hindi kailan man maipapatupad ng pamahalaan ang sistema ng mas tama hanggat hindi nawawala ang kabulukan na namamayani sa marami pa ring ordinaryong mamamayan. Maaaring marami pa ring pagkukulang ang pamahalaan ngunit hindi sila Diyos upang mapunan at maisakatuparan ang kaganapan ng ating pagkatao. Dapat nating tandaan na ang pinakamahalagang salik sa ating pag-unlad ay nasa ating mga kamay. Sa pagkilos ng tama even if we know that many people are doing otherwise. Sa pagtupad sa mga tungkuling nakaatang sa atin as expected responsible citizens.
Maaaring ang Pilipinas ay hindi mapalad sa maraming bagay subalit nagtatamasa pa rin tayo ng mga privileges na lubhang mahalaga para sa tao…mga bagay na hindi kailan man o hindi lubusang natikman ng napakaraming mga bansa…maaring hindi tayo ganun ka-unlad subalit naniniwala akong tayo’y patungo roon. At nais kong maging bahagi sa pagsasakatuparan ng pag-unlad na iyon.
Anu’t ano man ang ipinupukol ng ibang lahi sa atin, iyon ay hindi dapat makapagpababa ng ating moral. Tuloy lang ang buhay. Tuloy lang ang pagkilos ng tama para sa ating kapwa..para sa ating mga magulang…para sa ating mga anak..at para sa Diyos.
P.S. THE PHILIPPINES STILL DESERVES PEOPLE LIKE US.


